top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

PCUP, 'di kayang pigilan ang demolisyon

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 22, 2019
2 min read

HALOS naging sumbungan na ng bayan ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa usaping demolisyon at ebiksiyon, lalo na kapag ang apektado ay mahihirap.

Ang ating tanggapan, para sa inyong kaalaman ay nagpapatawag ng pagpupulong at nagmo-monitor ng demolisyon kapag ang pamilya ay itinuring na underprivileged and homeless.

Tanong: Magandang araw, Sir Alvin, maaari bang makahingi ng tulong na mapatigil sana ng PCUP ang demolisyon sa amin sa Laguna? May ibinigay sa amin ang sheriff na Writ of Demolition. Nakakaawa ang mga bata kasi simula pa lang ng pasukan. — Lani

Sagot Ikinalulungkot nating ipabatid sa inyo, Aling Lani, na ang ating tanggapan ay walang kapangyarihang itigil ang utos ng korte at hindi tayo nagpapatigil ng demolisyon.

Sa inaakala ng nakararami, ang PCUP ay nagpapahinto ng demolisyon ngunit, ang papel ng PCUP sa mga ganitong kaso ay masiguro na naaayon sa batas at makatao ang magiging demolisyon o ebiksiyon sa mga kababayan nating underprivileged and homeless citizens.

Tayo ay nagpapatawag ng Pre-Demolition Conference (PDC) at doon pag-uusapan ang mga posibleng ayuda para sa mga apektadong pamilya tulad ng relocation o financial assistance. Makakasama natin dito ang ilang ahensiya ng pamahalaan, apektadong pamilya at may-ari ng lupa.

Kung ang nakasaad sa Section 28 ng Republic Act No. 7279 ay nasunod, maaari nang makapag-request ng police assistance ang sheriff at i-implement ang kautusan ng korte. Kung hindi naman ay kailangan muna nitong matugunan.

Huwag din tayong manlumo dahil may mga kaso ng PDC na nauuwi sa pagbebenta ng may-ari ng lupa sa mga pamilya o pagbili ng lokal na pamahalaan sa lupa. Samantala, ang iba naman ay nabibigyan ng relokasyon o nabibigyan ng pamasahe upang makauwi sa kani-kanilang probinsiya.

Ang maitutulong sa atin ng tanggapan ay masigurong win-win ang sitwasyon kahit nahaharap tayo sa ganitong problema. Kung sakali mang maipatawag tayo sa PDC, mas mainam na dumalo tayo.

Kung kayo ay mayroong katanungan, suhestiyon o ihihingi ng tulong, maaari kayong magtungo o sumulat sa PCUP Central Office, 4th flr. DHC Bldg., 1115 EDSA, Project 7, Quezon City o mag-email sa pcup.media2019@gmail.com o mag-message sa ating Facebook page na @PCUPOfficial.

Kung kayo ay mayroong katanungan, suhestiyon o ihihingi ng tulong, maaari kayong magtungo o sumulat sa PCUP Central Office, 4th flr. DHC Bldg., 1115 EDSA, Project 7, Quezon City o mag-email sa pcup.media2019@gmail.com o mag-message sa ating Facebook page na @PCUPOfficial.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page