PACMAN, WALANG UURUNGAN LALABAN PA NEXT YEAR!

TINAGURIAN na si Pinoy legend Manny Pacquiao na pinakamatandang Welterweight Champion ngayon sa kasaysayan ng boksing sa bisa ng split decision na panalo kontra WBA Champion Keith Thurman.
Maituturing na vintage performance ang ipinalasap ng 40-anyos na si Pacman kay 30-year-old Thurman na sinaksihan ng may 14,356 fans na nagpadagundong sa buong arena. Bagama’t naghahabol na sa bakbakan ang duguan na si Thurman sa huling bahagi ng rounds para makahabol sa kalamangan ni Pacman sa suntukan, pinaboran pa rin ng judges ang tikas ng Pinoy. Napasuntok sa hangin sa tuwa si Pacman nang ibigay sa kanya ang panalo.
Una munang nagbanta si Thurman na iku -”crucify” niya ang kalaban niyang masyadong relihiyoso at pangako niyang pagreretiruhin na ang Pinoy icon sa boksing. “I’m not that kind of boxer who talks a lot; we were just promoting the fight,” aniya.
Garantisado na ang kinita ni Pacman na $20-M dahil siya ang pinakamabentang player sa astiging Welterweight Division at agawin pa ang Welterweight ‘Super’ Champion Belt WBA ni Thurman.
Babalik na rin daw ngayong araw ang eight-division world champion sa bansa upang maipagpatuloy ang trabaho bilang Senador at saka niya pag-uusapan ang susunod niyang hakbangin sa ibabaw ng ring. “I think I will fight next year,” aniya. “I will go back to the Philippines and work and then make a decision.





Comments