P-Digong, bagsak sa pagbibigay ng proteksiyon sa mga bata laban sa war on drugs
- Ryan B. Sison
- Jul 22, 2019
- 1 min read

DAHIL sa sunud-sunod na pagkakasangkot ng kabataan sa “war on drugs” ng administrasyong Duterte, bagsak ang ibinigay na grado kay Pangulong Rodrigo Duterte ng iba’t ibang children rights advocates sa bansa.
Sinabi ng chairman ng non-government organization na ‘Akap sa Bata ng mga Guro – Kalinga Philippines’, dahil umano sa iligal na pagpatay ay maraming bata ang nauulila at sa kasamaang-palad, ‘yung iba ay nadadamay at binabawian ng buhay.
Kabilang sa mga ito sina Kian Loyd delos Santos, Grade 11 student at Myka Ulpina na tatlong taong gulang na mga nasawi mula sa Caloocan at Rodriguez, Rizal.
Samantala, sa totoo lang, may maganda rin namang naidulot ang ‘Oplan Tokhang’ sa bansa ngunit, pansamantala lang ito dahil hanggang ngayon, kahit marami na ang binawian ng buhay ay patuloy pa rin itong lumalaganap.
Kaya sana, ang mababang grading ibinigay sa pangulo ay huwag ipagsawalambahala ng gobyerno nang sa gayun, magkaroon ng pagbabago at ma-improve pa ito habang may pagkakataon pa.
Huwag tayong pumayag na madagdagan ang bilang ng mga musmos na nadadamay dahil sa kakulangan ng proteksiyon para sa kanila.
Iligal na droga tuldukan, pero kasabay nito, mga bata huwag nang idamay!
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments