14 TEAMS SA D-LEAGUE, HALOS LAHAT BAGUHAN
- BULGAR

- Jul 22, 2019
- 1 min read

MAY bagong kampeon na namang kokoronahan sa labanan ng 14 koponan sa darating na 2019 PBA D-League Foundation Cup na magsisimula sa Hulyo 25 sa Paco Arena sa Manila.
Pangungunahan ng Aspirants’ Cup runner-up Centro Escolar University at Marinerong Pilipino ang mga koponang kabilang sa Group A kung saan kasama nila ang AMA Online Education at mga baguhang teams na Asia’s Lashes, Hazchem Inc., iWalk, at NailTalk-St. Dominic Savio. Namumuno sa Group B ang koponan ng BST Basilan-St. Clare kung saan kasama nila ang school-based teams Technological Institute of the Philippines at McDavid-De La Salle Araneta gayundin ang mga newcomer na Alberei Kings, Black Mamba Energy Drink, Hyperwash Vipers, at Italianos Shoes.
Batay sa format, ang lahat ng koponan ay maglalaro sa single round robin sa eliminations kung saan ang top four teams sa magkabilang grupo ay maghaharap sa quarterfinals, taglay ng top two teams ang twice-to-beat advantage.
Ang mga mananalong koponan ay susulong sa crossover semifinals na parehas best-of-three series kung saan ang magwawagi ay magtutuos sa isa ring best-of-3 finals. (VA)





Comments