Tumotoma, pinasok sa bahay | 3 PINAGTATAGA NG KAPITBAHAY
- Levi Gonzales
- Jul 21, 2019
- 1 min read

TATLONG magkakainuman ang pinagtataga ng kanilang kapitbahay sa Bgy. Anonang, Mulanay, Quezon.
Alas-8:30 ng gabi, nag-iinuman sina Nonito Maderazo, 42, kanyang live-in partner na si Genalyn Agapay, 46, at Marwin Agapay, 21.
Bigla umanong pumasok sa kanilang bahay ang suspek na si Eddie Peñaflor, na armado ng itak. Nagwala ang suspek hanggang sa pagtatagain ang tatlo sa iba’t ibang bahagi ng katawan bago tumakas. Dinala ang tatlo sa pagamutan ngunit, isa ang hindi na umabot nang buhay habang kritikal ang dalawa.





Comments