REAL GOLD VS. BOSS EMONG, BABAWI?

MATUTUNGHAYAN ngayong araw ang 2019 Philracom 3rd Leg Triple Crown Stakes Race, Hopeful Stakes Race at 4-Year-Old & Above Locally Bred na kasamang magpapakitang-gilas ang mga kalahok sa Rating-Based Handicapping System Race sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTI) sa Malvar, Batangas.
Kasabay nito, ibibigay din ang Winner Take All (WTA) bonus carry over na P200,000 sa bawat karera sa Race 3 at Race 6 na mula sa MMTCI New Management Group. Sa bawat karera ay magiging kapana-panabik ang bawat yugto ng laban dahil sa Rating-Based Handicapping System Race (RBHS) na may papremyo sa mananalo.
Anim ang kalahok sa 2019 Philracom 3rd Leg Triple Crown Stakes Race, na pangungunahan ng Sir Joaquin, My Dad Bogart, My Jopay, Boss Emong, Shanghai Grey at Real Gold. Tatanggap ng P1.8 M ang kampeon, P675,000 ang pangalawa, P375,000 ang pangatlo at P150,000 ang 4th. Pinapaboran ang Real Gold at Boss Emong habang ang My Jopay ay may tsamba. Makaulit kaya ang Boss Emong sa Real Gold, makaraang talunin ito sa 2nd Leg TCS Race? Maghihintay ng resulta kung sino ang tunay na kampeon o may bagong tatanghaling kampeon sa mga bagitong mananakbo.
Anim na kabayo ang maglalaban sa 2019 Philracom 4-Year-Old & Above Locally Bred na may premyong P.5 M na paghahatian ng unang apat na kabayo. Ang mga kalahok ay Victorious Colt, Lakan, Disyembreasais, Pangalusian Island, Cerveza Rosas at Pinagtipunan. May P.3-M ang kampeon, may P112,500 ang 2nd habang P62,500 ang 3rd at P25,000 ang 4th place. Race 1-Daginding (6) Tanforan (1) Tubig at Langis (4) Race 2- Helushka (2) Spunk Attack (7) Race 3- Pangalusian Island (4) Lakan (2) Race 4- Count Me In (1) Ever Seen The Rain (9) Rosario Princess (10) Race 5- Phenomenal (1) Best regards (2) My Sheltex (4) Race 6- Entry No.6 Sharp Return (1) Kid Kenshin (10) Race 7- Real Gold (6) Boss Emong (4) My Jopay (3) Race 8- Derham Park (1) Boni Avenue (3) Race 9- Double Sunrise (4) Tempus Fugit (3) Race 10 Purging Line (7) Feather in the Wind (2) Race 11- Dragon Fire (3) Prince Jolo (9) IfYourHonorPlease (11) Race 12- Milford Sound (6) Great Connection (7).





Comments