PLOGGING ACTIVITIES UNA SA TAKBO PARA SA KALIKASAN

MAGDARAOS ngayon ang Takbo Para Sa Kalikasan ng 2nd Leg event mula sa tema ng mga elementong fire, water, air at earth run na inorganisa ng Green Media Events, ang year-long benefit run na pakay na hikayatin ang publiko na lumahok sa environmental conservation sa gitna ng lumalalang global waring.
Itatakbo ang Water Run 2019 ngayong Hulyo 21 (Linggo) sa CCP Complex, Pasay City na may 4 na kategoryang pagpipilian: 3K, 5K, 10K at 18K. Lahat ng makatatapos ay tatanggap ng finisher’s medal at lootbags habang ang 10k at 18k runners ay may finisher shirt. May registration fees na P650 ang 3K, P700 ang 5K, P900 ang 10K at P950 ang 18K na may kasamang singlet, race bib at e-Certificate.
Ilang libong runners at running groups na pawang environmental advocates ang lumahok sa nakaraang Fire Run 2019 (Leg 1) noong Mayo 5 at bawat isa ay hinihikayat na magpartisipa sa pro-active plogging activities (eco-friendly workout) o iyong pamumulot ng basura sa madaraanang ruta.
“The devastating impact of climate change is felt, with people and wildlife suffering from its consequences,” ayon sa Green Media Events.
Ang proceeds sa taunang event ay itutulong sa Haribon Foundation, ang pioneer environmental group na tumutugon sa pagbibigay-proteksiyon sa kapaligiran, hindi lang sa siyudad kundi maging sa mga kanayunan.
Ayon sa Haribon, nakababahala ang pag-init ng mundo dahil maraming uri ng halaman at hayop ang namamatay at banta na rin ito sa pagkain ng tao, iniinom na tubig, hangin na nilalanghap at panahon na nararanasan.
Upang maiwasan ang pagkakalat ng mga paper cup ay hinihikayat ang runners na magdala ng water containers for refills para sa zero-waste at eco-friendly practices.
Matapos ang Water Run ay idaraos din ang Air Run sa Set. 15 at ang Earth Run sa Nob. 24.





Comments