PDEA binentahan | DOKTOR, KULONG SA SHABU

ARESTADO ang isang doktor sa Bgy. Lapu-Lapu, Butuan City, Agusan del Norte kasunod ng buy-bust operation, Huwebes ng gabi.
Sa ulat na ipinarating ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) CARAGA Region, kinilala ang suspek na si Dr. Guillermo Almacen, isang aesthetic medicine specialist.
Nasamsam umano mula sa pag-iingat ng suspek ang 12 pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P54,400. Nabatid na itinuturing ng PDEA na high-value target si Almacen na bago lang umano sa pagtutulak.
Sinampahan na ng reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na doktor.





Comments