top of page

Mga pamamaraan para hindi lumala ang astigmatism

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 21, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

Ako ay may astigmatism at kailangan kong magsalamin. Ano ba ang sanhi nito, gayundin, ano ang puwedeng gawin upang hindi ito lumala? — Deby

Sagot

Ang normal na mga mata ay perpekto ang pagkaka­bilog. Ang liwanag ay naka­papasok dito at nagre-reflect ng maayos na nakapagbi­bigay ng maliwanag na paningin, pero kapag ang iyong mga mata ay hugis football o kutsara, ang liwanag sa mga mata ay hindi nakapagre-reflect sa tamang paraan.

Isang bahagi na lamang ang nabibigyan ng focus. Ang mga bagay na nakapuwesto sa malayo ay malabo at maalon. Madali lamang sa mga ophthalmologist na ayusin ang astigmatism, gamit ang salamin, contact lens o pag-oopera.

Ano ang sanhi ng astigmatism?

Ang astigmatism ay natural sa mga taong naipa­nganak na mayroon nito. Hindi natin matiyak ang sanhi nito. Ga­yun­man, puwedeng magka­roon ng astigmatism matapos ang aksidente, pagkakasakit sa mga mata o pagpa­paopera.

Ano ang gamot sa astigmatism?

Karamihan sa kaso ng astigmatism ay magagamot sa pamamagitan ng pag­susuot ng salamin o contact lens. Kung ang sakit ay hindi malala at wala pang ibang sakit sa mga mata, malamang, hindi magre­komenda ang doktor ng salamin o contact lenses.

Narito ang dalawang pamamaraan para hindi lumala ang astigmatism:

  • Paggamit ng salamin o contact lens — kung may astigmatism, ang ophthalmologist ay magrerekomenda ng espesyal na uri ng contact lens na ang tawag ay toric. Ito ay para mabalanse ang pag-bend ng liwanag sa loob ng mga mata.

  • Refractive surgery — ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng paggamit ng laser. Layunin nitong baguhin ang hugis ng cornea. May iba’t ibang uri ng pag-oopera sa cornea kaya ang ophthalmologist ang magpapasya kung anong klaseng operasyon ang kailangan ng pasyente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page