top of page

Karapatan ng pamilyang Pilipino

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 21, 2019
  • 2 min read

NAKASAAD sa Article XV ng 1987 Philippine Constitution ang mga sumusunod na probis­yon:

Section 1. The State recognizes the Filipino family as the foundation of the nation. Accordingly, it shall strengthen its solidarity and actively promote its total development.

Section 2. Marriage, as an inviolable social institution, is the foundation of the family and shall be protected by the State.”

Malinaw sa ating Saligang-Batas na kini­kilala ng estado ang pa­milyang Pilipino bilang pundasyon ng institus­yon at bansa. Bilang pagkilala, kinakaila­ngang papanatagin ng estado ang kaisahan at pag-unlad nito. Dahil dito, itinuturing ng estado ang pag-aasawa bilang panlipunang ins­ti­tusyon na hindi dapat malabag at kinakaila­ngang mapangalagaan ng estado. Kaya naman sa Family Code, naka­pa­loob ang mga sumu­su­nod na probisyon:

Marriage is a special contract of permanent union between a man and a woman entered into in accordance with law for the establishment of conjugal and family life. It is the foundation of the family and an inviolable social institution whose nature, consequences, and incidents are governed by law and not subject to stipulation, except that marriage settlements may fix the property relations during the marriage within the limits provided by this code.

Kung ating susuriin ang mga nabanggit na probisyon, makikita nating ang pagpapakasal ay kinikilala bilang ins­titusyon kung saan ang mga insidente at bagay na may kinalaman dito ay marapat na base sa anumang sinasabi ng batas. Ang pag-aasawa ay hindi maaaring ma­ging suheto ng ka­sundu­an maliban kung ang usapin ng kasun­duan ay tungkol sa marriage settlement kung saan inaayos ng mag-asawa sa kanilang relasyon ang may kinalaman sa kanilang mga ari-arian (Article 1, Executive Order No. 209).

Nararapat na igalang ng estado ang karapatan ng mag-asawa na mag­ta­tag ng kanilang pamil­ya sang-ayon sa kani­lang pananalig sa kani­lang relihiyon at anuman ang mga kinakailangan ng responsableng pagtata­gu­yod ng pamilya.

Pinangangalagaan ng pamahalaan ang kara­patan ng mga bata na mabigyan ng kalinga, kasama ang wastong pag-aalaga at nutrisyon at natatanging proteksi­yon sa anumang anyo ng pagpapabaya, pang-aabuso, pagmamalupit, pagsasamantala at iba pang kondisyong naka­pipinsala sa kanilang pag-unlad.

Marami ang panga­ngailangan ng pamil­yang Pilipino kaya pina­ngangalagaan ng estado ang karapatan ng bawat miyembro ng pamilya na mabigyan ng sapat na sahod at pagkakakitaan para sa ikabubuhay ng pamilya.

May karapatan ang bawat pamilyang Pili­pi­no na lumahok sa mga asosasyon na nagtata­gu­yod ng pata­karan at programa na nakaaapek­to sa kapa­kanan ng pamilyang Pilipino.

Sa paglipas ng pana­hon, maraming progra­ma ang itinatag ng pama­halaan upang ma­pangalagaan ang pamil­yang Pilipino tulad ng “Pantawid Pamilyang Pilipino Program” (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ang 4Ps ay hakbang ng pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalaga­yang-pantao ng ating mga kababayan. Nagbi­bigay ito ng conditio­nal na tulong-pinansiyal para sa pinakamahihirap na Pilipino upang pag­bu­tihin ang kalusugan, nutrisyon at edukasyon ng mga batang may edad 0 hanggang 18. Kaila­ngang matupad ng mga pamilya ang mga kon­dis­yon ng pamahalaan upang maibigay sa ka­nila ang tulong-pinan­siyal. Halaw ito sa pro­gra­mang Conditional Cash Transfer (CCT) ng mga bansa sa Latin Amerika at Africa, na nailigtas sa kahirapan ang milyun-milyong tao sa buong mundo (www.official gazette.gov.ph).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page