top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Hamon ng publiko sa pangulo, mga maiinit na problema ng bansa, talakayin sa SONA!

Ryan B. Sison
Jul 21, 2019
1 min read

ISANG tulog na lang ay magaganap na ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rod­rigo Duterte kung saan nais ng publiko na marinig sa pangulo na talakayin nito ang maiinit na isyu sa bansa tulad ng suweldo ng mga manggagawa, presyo ng mga pangunahing bilihin, trabaho at usapin sa West Philippine Sea kung saan ito ay dahil sa lumabas na resulta sa survey na isinagawa ng Pulse Asia.

Gayunman, sa nakalipas na buwan ay hindi pa rin nasolusyunan ang mga pangunahing problemang ito kaya hanggang ngayon, marami pa rin ang nagpoprotesta sa gobyerno.

Halimbawa na rito ang “endo” na hindi naman naging lehitimo kahit na naaprubahan ang Security of Tenure Bill 2019.

Kaya mahalagang talakayin at ma­laman ng sambayanan ang iba pang mga nakaabang na plano ng pangulo nang sa gayun ay magkaroon ng pag-asa ang lahat na hindi lamang ito hanggang pangako na napapako, lalo na ngayong mas lumalala ang working conditions sa bansa.

Samantala, araw-araw ay hinihiling natin na umunlad na sana ang ekono­miya ng Pilipinas, pero hindi ito mang­yayari kung hindi naman bibigyang-prayoridad ng pamahalaan.

Pero, kasabay ng magagandang pla­nong maaari nating marinig sa SONA, kooperasyon at disiplina, huwag nating ipagkait sa kanila.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page