top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Ayon kay P-Digong | 4TH SONA, MAS MAIKLI

Mylene Alfonso
Jul 21, 2019
1 min read

KASADO na ang ta­lumpati ni Pangulong Rod­rigo Duterte para sa kanyang ikaapat na State of the Na­tion Address (SONA) bukas, July 22 kung saan ang Pu­nong Ehekutibo mismo ang nag-edit ng kanyang speech sa isinagawang rehearsals sa Malacañang noong Biyernes ng gabi.

Ayon kay Communica­tions Secretary Martin An­da­nar, si Pangulong Duterte mismo ang laging nag-e-edit ng kanyang talumpati sa SONA mula nang maluklok ito sa kanyang posisyon noong 2016.

“So far, ‘yung ating State of the Nation Address pre­parations ay on its full swing. At for the past three years siya talaga ang nag-e-edit ng speech,” ani Andanar.

Nabatid na binawasan ng pangulo ang kanyang talum­pati na sa halip na 28 pahina ay ginawa na lamang itong 19 pahina.

Katuwang ng pangulo sa kanyang practice sina dating Special Assistant to the Pre­sident at ngayon ay Senador “Bong” Go, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Undersecretary Mel­chor Quitain, Sec. An­danar, Radio TV Malaca­ñang Director Demic Paba­lan at Director Joyce Bernal sa Rizal Hall ng Palasyo.

Una nang sinabi ni An­danar na tatagal ng mula 45 hanggang 50 minuto ang ta­lumpati ng pangulo kung hin­di mababago ang nakahan­dang speech nito.

Sinabi naman ni Cabinet Sec. Karlo Nograles na nais la­mang sabihin ng pangulo sa kanyang SONA kung ano ang nilalaman ng kanyang puso.

Kilala si Pangulong Du­terte sa mahabang talumpati at una na nitong sinabi na sa kanyang SONA bukas ay tu­turuan niya ang kanyang mga kritiko sa isyu ng South China Sea.

Matatandaang, tumagal ng isang oras at 32 minuto ang unang SONA ng pangulo noong 2016 habang ang ika­lawa ay nasa dalawang oras ngunit, noong nakalipas na taon ay nasa 48 minuto.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page