5 Sayyaf, sumuko

NASA limang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang pormal na nagsisuko sa pulisya sa Zamboanga City.
Kinilala ang mga ito na sina alyas Arjun, 21; Itong, 20; Khaifal, 23; Khap Boy, 29, at Mat, 33.
Ayon kay Police Brigadier General Froilan Quidilla, ang mga ASG fighter ay nagmula sa Sulu at Basilan.
Sumuko ang lima sa Provincial Mobile Force Company sa Zamboanga del Sur at kalaunan ay dinala sa PRO-9 headquarters sa Zamboanga City.
Isinuko rin ng mga bandido ang kanilang mga armas.
Ayon kay Gen. Quidilla, tatratuhing rebel returnees ang lima at isasailaim sa rehabilitation program ng gobyerno.





Comments