11 kulong sa droga
- Maeng Santos
- Jul 21, 2019
- 1 min read

NASA 11 hinihinalang sangkot sa iligal na droga ang arestado sa magkahiwalay na drug operation ng mga pulis sa Navotas City.
Ayon kay Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas, alas-12:00 ng hatinggabi nang madakip ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni PLt. Eric Roxas sa buy-bust operation sa koordinasyon sa PDEA sa JB Santos St., Bgy. Tangos South si Jowel dela Fuente, 44, magkakapatid na Rosalinda, 45; Jenica, 23, at Adriano Ordoñez, 30.
Narekober sa mga suspek ang 12 sachets ng hinihinalang shabu, P200 buy-bust money at maliit na tupperware.
Nauna rito, alas-9:40 ng Biyernes ng gabi nang mahulihan din ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLt. Roxas na nagsasagawa ng surveillance operation at validation activities sa Miguel St. ng tig-isang sachet ng hinihinalang shabu sina Kassie Palmares, 31; Enrico Sismundo, 37; Jeffward Alambra, 21, at Abundio Toledo, 23.
Timbog din ng mga operatiba ng SDEU sa buy-bust operation sa koordinasyon sa PDEA sina Alden Pejerano, 43; Jun-Jun Nacman, 24, at Rosauro Jose, 39, sa NBBN, alas-4:45 ng madaling- araw.
Ani SDEU Investigator PCpl. Eldefonso Torio, narekober sa mga suspek ang limang sachets ng shabu at P300 buy-bust money.





Comments