top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

VP Leni, tinuluyan na sa 'Bikoy' video, magkakaalaman na!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 20, 2019
  • 1 min read

KINASUHAN na si VP Leni kaugnay sa “Bikoy” video.

Mainam nang lumabas ang katotohanan!

◘◘◘

PINALULUSOB ni P-Digong sa U.S. ang China.

Malaki ang tama niya!

◘◘◘

NATUTUYOT pa rin ang Angat Dam.

Kailangan nating maghanap ng tubig sa buwan!

◘◘◘

NAITALA ang 2019 bilang pinakamainit na taon sa isang siglo at kalahati.

Mag-ingat tayo sa susunod na tag-araw!

◘◘◘

MAY ginto raw sa isang asteroid.

Paano kaya kapag bumagsak ito sa atin?

◘◘◘

NADISKUBRE na ang bagong Darna.

Mabuhay ang pelikulang Pilipino!

◘◘◘

WALA pang lumilitaw na malakas na presidentiable.

Purnada agad si Sen. Panfilo “Ping” Lacson!

◘◘◘

IPINATAWAG sa Malacañang ang mga Bureau of Customs officer na sinibak dahil sa alegasyon sa ismagling.

Hindi ba ipa-firing squad?

◘◘◘

HINIHINTAY na ang mga taga-UNHCR na mag-iimbestiga sa EJK.

Huwag sana silang bumu­lagta!

◘◘◘

HINDI lang sa 5G signal nangunguna ang China.

Ang China rin ay no.1 din sa quantum physics!

◘◘◘

ANO ang quantum?

Ito mismo ang pilosopiya kung bakit epektibo ang mga dasal at meditasyon!

◘◘◘

GAMIT ang quantum physics, magkakaroon ng physical evidence sa pagkakaroon ng diyos.

‘Yan ang dahilan kung bakit ito iniiwasan.

Kapag nagkaroon ng ebiden­siya sa pagkakaroon ng Diyos, ma­a­aring magkaroon ng “mass produc­tion” sa paglikha ng kani-kanyang “diyos”!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page