top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Taiwanese na may utang, ikinulong sa hotel | 2 CHINESE, ARESTADO

Gina Pleñago
Jul 20, 2019
1 min read

HULI ang dalawang Chinese nang ikulong nila ang isang Taiwanese hinggil sa pagkakautang dahil sa sugal na iniulat kahapon sa Pasay City.

Nakapiit sa detention cell ng Pasay City Police at nahaharap sa kasong illegal detention ang mga suspek na sina Zhang Shian, 31, tourist, at Yan Ming Jian, 27, kapwa ng Roxas Blvd, Parañaque City.

Kinilala naman ni Pasay City Police Chief Police Colonel Bernard Yang, ang biktimang si Tsai Yen-Chen, Taiwanese, nagtatrabaho sa isang online gaming.

Ayon sa hepe ng Pasay Police, alas-9:40 ng umaga nang mahuli ng kanyang mga tauhan ang mga suspek sa Room Seriac Siayan Travellers Inn sa Bgy. 191.

Sa pahayag ng biktimang si Yen-Chen, mula alas-4:00 ng madaling-araw hanggang alas-9:40 ng umaga ay ikinulong siya ng mga suspek sa nabanggit na travellers inn.

Nagkaroon umano sila ng pagtatalo hinggil sa pagkakautang ng biktima matapos silang magsugal sa isang casino.

Pinatawagan pa ng mga suspek ang biktima sa kanyang kaanak sa Taiwan at humihingi ng malaking halaga kapalit ng kanyang kalayaan.

Natunton lamang sa pinagdalhang hotel nang magawa nitong makapag-text sa kanyang kaibigan hanggang sa isinumbong nito sa mga awtoridad.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page