Sen. Gordon, papalag na raw kay P-Digong, weh?

BANGAYAN SA POLITIKA SA PILIPINAS, WALA NANG KATAPUSAN — Matapos sampahan ng kasong sedition ng Duterte gov’t. ang mga taga-oposisyon sa pamumuno ni VP Leni Robredo kaugnay sa statement ng swindler na si Peter Advincula na ginamit daw siya para pabagsakin ang administrasyon, nagbanta si ex-Sen. Antonio Trillanes IV na may ilalabas daw siyang ebidensiya na sangkot talaga sa sindikato ng iligal na droga si P-Duterte.
Dahil sa mga isyung ‘yan, asahang wala nang katapusan ang bangayan sa politika sa bansa, hu-hu-hu!
◘◘◘
TOTOHANIN NA KAYA ANG PAGPALAG NI SEN. GORDON KAY P-DUTERTE?—Sabi ni Sen. Richard Gordon, hindi raw puwede na si P-Duterte lang ang magdesisyon sa pag-aprub na mangisda sa West Philippine Sea (WPS) ang mga Chinese dahil dapat daw ay may pahintulot ito ng Senado at House of Representatives.
Totohanin na kaya ang pagpalag ni Sen. Gordon kay P-Duterte o sadyang papansin lang ito noong mga nagdaang araw, boom!
◘◘◘
CONG. BARBERS, NAKIEPAL NA RIN SA KASIKATAN NI MAYOR ISKO—Matapos magpakita ng political will si Mayor Isko Moreno sa pagpapaalis sa mga illegal vendor sa kalsada at bangketa sa Maynila, naghain si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ng panukalang-batas na “Sidewalks and Public Roads Use Acts” na nagbabawal sa mga vendor na magtinda sa bangketa at kalsada sa buong bansa.
Aba, si Cong. Barbers, umeepal na rin sa kasikatan ni Manila Mayor Isko Moreno, he-he-he!
◘◘◘
“NANLABAN” AT “NANG-AGAW NG BARIL”, HINDI NA PUWEDE SA MAYNILA — Pinagsabihan ni Mayor Isko ang mga pulis-Maynila na respetuhin ang karapatang-pantao ng mga nahuhuling tulak at adik.
Kung ganu’n, bawal na pala ngayon sa Maynila ang statement ng mga pulis na “nanlaban” o “nang-agaw ng baril” kaya napatay ang suspek, boom!





Comments