top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pangangasiwa ng phisgoc sa sea games, tuloy

  • Mylene Alfonso
  • Jul 20, 2019
  • 1 min read

PATULOY na pangangasiwaan ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) ang paghahanda para sa gaganaping biennial meet, ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez.

Sa meeting na kasama si Senator ‘Bong’ Go, pinabulaanan nina PHISGOC Chairman Alan Peter Cayetano at Ramirez ang mga alegasyon tungkol sa korupsiyon na nagbunga umano sa planong pagbuwag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PHISGOC.

Ang mga pagbabagong ito ay nangyari lamang ilang araw matapos kumpirmahin ng Malacañang na nais ilipat ni P-Duterte ang responsibilidad ng pangangasiwa ng 2019 SEA Games sa gobyerno, matapos niyang akusahan ng korupsiyon ang PHISGOC.

Nangunguna ang PHISGOC sa preparasyon sa regional event na gaganapin sa ika-30 ng Nobyembre hanggang ika-11 ng Disyembre ngunit, lumutang kamakailan ang mga report ng hinihinalang korupsiyon sa loob ng pribadong organisasyon.

Pumasok umano sa mga kahina-hinalang transaksiyon ang PHISGOC tulad ng overpriced training uniforms galing sa sports apparel company na Asics.

Pinabulaanan naman ni PHISGOC Executive Director Ramon Suzara na kahit magbago ang pamunuan ay hindi nito maaapektuhan ang hosting preparations.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page