Panawagan sa mga magulang, para hindi mapahamak ang mga anak, bantayan!

SA mga krimeng nangyayari sa bansa kung saan karamihan sa mga ito ay sangkot ang mga bata, hindi ba, nakababahala dahil sa murang edad nila ay nakararanas na agad sila ng mga karumal-dumal na insidente?
Gayunman, ‘ika nga, kung gusto, may paraan kaya para maagapang malagay sa panganib ang ating mga anak, tayong mga magulang ang dapat gumawa ng paraan para mailayo sila sa kapahamakan.
Samantala, nakalulungkot mang sabihin, pero patuloy na nadaragdagan ang mga masasamang-loob sa bansa na sanhi ng iligal na droga na lumalaganap, gayundin, nang sobra-sobrang pagkonsumo sa alak kung saan nawawala na sila sa katinuan.
Kaya para matuldukan na ang mga ganitong insidente, bukod sa mga kampanyang ipinaglalaban ng pamahalaan, tayo rin mismo bilang mamamayang Pilipino ay kumilos at makipagtulungan.
Dagdag pa rito, iwasan ang pagtitiwala agad sa mga bagong nakikilala, lalo na sa panahon ngayon na kung sino pa ang mga pinagkakatiwalaan mo, ‘yun pa ang tatraydor sa iyo, hugot!
Kaya maging sigurado sa mga taong pinakikisamahan at palaging paalalahanan ang mga anak na huwag basta makikipag-usap sa mga taong hindi kakilala.
Keep safe, mga ka-BULGAR!
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments