top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

MIGHTY SPORTS, SUNOD ANG CHINESE TAIPEI, TINAMBAKAN ANG INDONESIA

  • Alvin Olivar
  • Jul 20, 2019
  • 1 min read

TINAMBAKAN ng Mighty Sports Philippines ang Indonesia, 94-66, kahapon upang mapanatili ang malinis na kartada sa 2019 William Jones Cup sa Xinzhuang Gymnasium sa New Taipei City, Taiwan.

Sa pangunguna ni Eugene Phelps ay nanaig ang Mighty Sports para makuha ang kanilang pang-anim na panalo at mapalapit sa kampeonato ng Jones Cup. Gumawa ng 19 points si Phelps kasama na ang 9 rebounds para sa atake ng Mighty Sports. Nagtala ng 17 points si Renaldo Balkman habang tumulong sa atake ng Mighty Sports si Joseph Yeo makaraang umiskor ng 14 points sa laro.

Sa simula pa lamang ng laro ay dinomina na ng Mighty Sports ang Indonesia. Kumuha ng 27-13 kalamangan ang Mighty Sports sa laro upang simulang tambakan ang Indonesia. Patuloy ang kampanya ng Mighty Sports Philippines ngayong araw sa kanilang pagharap kontra Chinese Taipei Blue bago tapusin ang torneo kontra Chinese Taipei White sa Linggo kung saan umaasa ang Mighty Sports na makukuha ang korona.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page