top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Lalo na sa mga batang nag-uumpisa pa lang na matuto... 6 importance ng pagbabasa, alamin!

  • Justine Daguno
  • Jul 20, 2019
  • 2 min read

MALAKI ang maitutulong ng pag­babasa sa buhay ng tao. Sa habit na ito, dumarami ang kaalaman natin kaya habang bata pa, makabubuting makasa­nayan na itong gawin.

Pero, tulad ng pagpapakain ng gulay at pagpapatulog nang maaga, karamihan sa mga magulang ay challenge na maituturing ang paghikayat sa mga bata na magbasa dahil mas gusto nilang manood ng TV, maglaro ng com­puter o mobile games at ibang aktibidad na mas “exciting” kaysa sa pagbabasa. Gayun­man, ‘wag mag-alala dahil narito ang ilang paraan para ma-encourage nating magbasa ang mga bata:

1. READ! Ito ang pinakasimpleng pa­raan para mahikayat ang mga bata na mag­basa. Kapag nakita niyang may pagpapaha­laga at tayo mismo ay nagbabasa, madali niya itong matutularan o magagawa sa kanyang sarili. Kumbaga, maging ‘good reading role model’ tayo.

2. KEEP READING MATERIALS IN THE HOUSE. Habang nagkakaisip ang bata, mas lumalawak ang kanyang imahinas­yon at dumarami ang kanyang tanong tungkol sa mga bagay-bagay. Makatutulong ang pagla­lagay ng mga libro o iba pang reading materials sa kanyang kuwarto o saanmang lugar sa bahay ninyo na puwedeng maglagay nito nang sa gayun, madali siyang makapag-e-explore tungkol sa mga gusto niyang malaman, make sure lang na angkop sa kanyang edad ang mga babasa­hin na ilalagay ninyo.

3. GIVE THEM A REA­DING SPACE. Mag-provide tayo ng lugar na komportable siyang makapagbabasa. Ha­lim­bawa, mag­la­gay tayo ng study area sa kuwarto niya o ma­liit na space sa living room. Madali nating mahihikayat magbasa ang bata kapag nakita niyang may lugar kung saan niya ito dapat gawin.

4. VISIT YOUR LOCAL LIBRA­RY. Makabubuti kung isasama natin siya sa local library na malapit sa ating lugar. Pani­guradong matutuwa siya kapag nalaman niyang magkakaroon o bibigyan siya ng lib­rary card at malaya siyang makapipili ng ba­basahin na interesting para kanya. Matu­tuto na, makapagba-bonding pa kayo!

5. READ EACH NIGHT. Marahil, karamihan sa atin ay naka-experience ng ‘bed­time story reading’ kaya naman kapag may time, isama natin sa ating routine ang pagbabasa bago ma­tu­log dahil karamihan sa mga book-lover ay nagsimula rito.

6. REWARD THEM. Hindi kinaka­ilangang mamahalin o bongga ang reward na ibibigay ninyo, sapat na ang pagbibigay ng mga makabuhulang babasahin at never-ending na pagsuporta, pero siyempre, kung gusto ninyo ng ‘something extra’, pu­wede naman. Ang napakaraming kaalaman na maku­kuha niya sa pagbabasa ay hindi mabibili ng pera, magagamit niya ito sa mahabang pa­na­hon, pero sana lang, hindi siya basta nagba­basa kundi iniintindi o inuunawa rin niya ang bawat ideya. ‘Ika nga, ang batang mahi­lig magbasa, siguradong malayo ang marara­ting at ma­tagumpay ang buhay sa kanyang pagtanda.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page