BAGETS TEPOK SA BIGTI
- Pabs Hernandez III
- Jul 20, 2019
- 1 min read
ILOILO—Isang 16-anyos na binatilyo ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbigti, kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Rosario, Dumangas sa lalawigang ito.
Sa kahilingan ng pamilya ng biktima ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang binatilyong nagpakamatay.
Nabatid na ilang kamag-anak ng biktima ang nakatagpo sa nakabiting bangkay nito sa loob ng kanilang bahay sa nasabing barangay.
Inaalam na ngayon ng pulisya ang motibo ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.





Comments