Babaeng nagpapakamartir sa BF

Dear Roma, Ako si Jermaine, 20 years old. Alam kong niloloko ako ng BF ko dahil ilang beses ko na siyang nakitang may kahalikang iba’t ibang babae, pero bakit hindi ko siya magawang iwanan? Kahit alam kong ginagawa lang niya akong past time, hindi ko alam kung bakit itinutuloy ko pa rin ang gusto niya? Tama pa ba ang ginagawa ko, ganito ba talaga ang nagmamahal? — Jermaine
Jermaine, Love is blind, ‘yan ang palaging sinasabi ng iba. Sabi rin nila, kapag nagmahal ka, kahit anong sama ng mahal mo, anghel pa rin siya sa paningin mo. Pero, alam mo, iha, bata ka pa. Huwag mong sayangin ang kabataan mo sa taong hindi ka kayang pahalagahan. The mere fact na dumulog ka sa amin para itanong kung tama pa ba ang ginagawa mo, ibig sabihin, nakararamdam ka na mali ang ginagawa mo. Kapag alam mong mali na, tama na. Lumayo ka na hanggang kaya mo pa at may pagkakataon pa. Kung hindi mo siya iiwanan, napakalaking bagay ang sasayangin mo, buhay, future at oras mo. Iwanan mo na siya. ‘Yun lang at God bless you!





Comments