top of page
Pokwang.jpg

SBU RED LIONS, SINAKMAL ANG GENERALS SA ON TOUR

A. Servinio
Jul 19, 2019
1 min read

PINASARAP muna ng bumibisitang San Beda University ang laro bago magising sa tamang panahon upang bugbugin ang Emilio Aguinaldo College, 89-72, sa pagsisimula ng “NCAA On Tour” ng 95th National Collegiate Athletic Association sa EAC-Manila Sports Center, Huwebes ng hapon. Ito na ang ikatlong sunod na panalo ng defending champion upang solohin ang liderato ng liga habang bumaba sa 1-2 ang Generals.

Dala ng mga maingay nilang kamag-aral, bumanat agad ang EAC sa unang tatlong minuto at lumamang, 12-2. Tumawag ng timeout si coach Boyet Fernandez ng SBU at ito ang naging hudyat ng 17 sunud-sunod na puntos tampok ang dalawang tres ni James Canlas Kwekuteye upang mailipat ang kalamangan sa Red Lions at hindi na sila lumingon pa pagkatapos ng unang quarter, 24-16.

Binuhat ni Canlas Kwekuteye ang Red Lions at nagtapos na may 21 puntos buhat sa apat na tres. Tinulungan siya nina Evan Nelle na may 15 puntos at 7 assists, Calvin Oftana na may 14 puntos at Donald Tankoua na may 13 puntos at humakot ng 11 rebounds.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page