top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

PLAYERS AT COACHES NG PBA AT MPBL BALLCLUBS SA DRIBBLING

  • A. Servinio / MC
  • Jul 19, 2019
  • 2 min read

TIYAK na dudumugin ng libu-libong fans ang paglahok ng rookies at pro players ng Philippine Basketball Association at Maharlika Pilipinas Basketball League ballclubs maging ng mga kilalang celebrities sa pinananabikang record-shattering attempt na world dribbling.

Kung nagawa ng Palestine na makapagtala ng 7,556 mahigit na kataong nag-dribol sa iisang venue nang sabay-sabay ay pipilitin itong wasakin ng Pilipinas kasama na ang magigiting na pro basketball players at maging ng iba pang atleta ng sports na nangakong makikilahok sa Linggo at inaasahang makapagtatala ng 10,000 dribblers.

Dito patutunayan ng mga Pinoy ang pagmamahal sa basketball sa sama-samang paglahok sa event na tatalo sa world record dribbling attempt na ginawa noong Hulyo 22, 2010 sa Palestine na inorganisa ng UN Relief and Works Agency sa Rafah, Gaza Strip.

Mala-temang piyesta sa MOA Concert Grounds ang inilatag bilang official venue partner ng world record attempt kung saan sina Scratch it! Brand ambassadors Nadine Lustre at Sam Concepcion at iba pang music artists ang hihikayat sa marami pang dribblers na sabay-sabay magdribol para sa record-breaking effort.

“Also, in line with our motto `Basta Pilipino Ginto,’ where we believe that the Filipino deserves the best, we want to have an international record that we can be proud of,’’ ayon kay Jeremy Go, ang vice president for marketing na Powerball Marketing & Logistics Corporation, ang mover ng Go For Gold project.

Masusuportahan ng GFG event ang Philippine Navy Sea Lions na nagkuwalipika sa Global King of Kings Basketball Challenge sa Shanghai, China sa Agosto 8-11, maging ang PH Air Force GFG Air Spikers, ang defending Spiker’s Turf champion.

Bukod sa teams na nabanggit, ang GFG ay may stable national athletes champion ng cycling, triathlon, chess, Canoe-Kayak Dragonboat, sepak takraw, wrestling at skateboarding.

Magparehistro sa www.goforgoldworldrecord attempt.com o magtungo ng direkta sa venue sa Linggo para makakuha ng libreng jersey at basketball mula sa Go For Gold. Ang registration ay simula ng 2 p.m.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page