top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pera-pera lang daw kasi, 'di na excited sa laban kay Thurman… MAGIC NI PACQUIAO, WALA NANG DATIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 19, 2019
  • 1 min read

NAWALA na ba ang “Pacman magic” ni Senador Manny Pacquiao kaya hindi na gaanong inte­resado ang karamihan sa ating mga kababayan na panoorin ang nalalapit niyang laban kay Keith Thurman?

Dedma at hindi na gaanong excited ang mga Pinoy sa tinaguriang People’s Champ. Mistulang nanawa na ang ating mga kababayan na napu-frustrate at dismayado dahil kahit kailangan nang magretiro ni Pacman sa boxing ay hindi pa rin ito tumitigil. Hindi tuloy niya maharap nang husto ang kanyang tungkulin bilang senador at public servant.

Tanong tuloy ng mga netizens, hindi pa ba kuntento si Pacquiao sa milyun-milyon niyang kinikita at sa mga properties na naipundar na niya? Ano pa ba ang gusto niyang patunayan, eh, kinikilala na siyang isa sa mga greatest boxers ng mundo? Wala nang makakaagaw ng kanyang titulo. Bilyonaryo na ang Pambansang Kamao.

Saludo sa kanyang kakayahan ang malalaking Hollywood celebrities at world-class boxers. Kaya naman magpahinga na dapat siya.

Hindi masisisi ang ating mga kababa­yan kung malamig ang pagtanggap nila sa nalalapit na Pacquiao-Thurman fight. Kung dati-rati ay nagpupustahan at nasa panig ni Pacman, ngayon, wala nang gustong tumaya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page