Pagkuha ng NBI clearance ng kasambahay

Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Isa akong kasambahay. Bago ako makapagsimula ng trabaho sa bago kong amo, kailangan ko raw munang kumuha ng NBI Clearance. Nakiusap akong siya na ang magbayad sa pagkuha ng clearance ko dahil wala pa akong pambayad. Pumayag siya, pero ang sabi niya ay ibabawas daw ang nagastos niya sa unang sahod ko. Puwede ba niyang gawin ‘yun? — Margie
Dear Margie,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay binigyang-linaw ng Republic Act No. 10361 o kinikilala bilang “Domestic Workers Act” o “Batas Kasambahay”, partikular ng mga sumusunod na articles:
“Section 12. Pre-Employment Requirement. – Prior to the execution of the employment contract, the employer may require the following from the domestic worker:
xxx
xxx
xxx
(c) National Bureau of Investigation (NBI) clearance; and
`The cost of the foregoing shall be borne by the prospective employer or agency, as the case may be.” (Binigyang-diin)
Alinsunod sa nabanggit na probisyon ng batas, maaaring humingi ang iyong amo o employer ng NBI Clearance bilang rekisito sa inyong trabaho ngunit, ang gastos na kaakibat sa pagkuha nito ay dapat sagutin ng inyong employer.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments