Mataas na approval rating ni P-Digong, sampal sa mga pakialamerong dayuhan!

UMANGAT nang todo ang approval rating ni P-Digong batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.
Meaning, aprubado ng mayorya ng mamamayan ang desisyon, aksiyon at programa ng Administrasyong Duterte!
◘◘◘
ANG resulta ng serye ng mga opinion survey ay sampal sa mga dayuhang nanghihimasok sa pamamalakad ni P-Digong, partikular ang UNCHR.
Pagpapatunay ito na walang nilalabag na batas sa karapatang-pantao ang pangulo, bagkus ay pinoproteksiyunan ng gobyerno ang karapatan ng mayorya ng mamamayan laban sa mga pusakal na kriminal at drug lord!
◘◘◘
ISA ring pagpapatunay na maiayos ang pamamalakad ng pulisya ay ang paggawad ng Civil Service Commission (CSC) kay NCRPO Director Gen. Guillermo Eleazar ng Certificate of Recognition bilang Most Outstanding Public Servant for the Region.
Umangat si Gen. Eleazar mula sa maraming nominado na kinabibilangan ng mga government worker and official!
◘◘◘
ANG CSC ang inatasan ng Konstitusyon na bantayan, suriin at iangat ang kalidad ng serbisyo publiko sa bansa.
Pagkilala ito na ang pagkilos, desisyon at programa ng pulisya na pinamumunuan ni Gen. Eleazar ay walang nilalabag na batas, bagkus ay nagbubunsod ng pangangalaga sa katiwasayan at nagsusulong ng inobasyon sa larangan ng serbisyo-publiko sa rehiyon!
◘◘◘
ANG maayos na pangangalaga ng pulisya sa pamamagitan ni Gen. Eleazar upang proteksiyunan ang karapatan ng mamamayan na mamuhay nang tahimik at mapayapa ay malinaw na kinilala ng CSC.
Kongkretong ebidensiya ito na walang nilalabag na karapatang-pantao ang pulisya, partikular sa National Capital Region (NCR)!
◘◘◘
ANG UNCHR ay walang karapatang mag-imbestiga, magsuri o magrekomenda sapagkat ang pagbabantay sa serbisyo-publiko ay iniutos ng Konstitusyon sa CSC.
Hindi maaaring sapawan ng United Nations ang CSC dahil lalabag sila sa Konstitusyon ng Pilipinas at babastusin nila ang soberaniya ng Pilipinas!
◘◘◘
ANG paggawad at pagkilala ng CSC sa natatanging paglilingkod ni Gen. Eleazar ay kongkretong ebidensiya na iginagalang ng gobyerno ang karapatan ng mamamayan.
Pinakamahalaga, sa ilalim ng Duterte Administration, protektado ng pulisya ang buhay at ari-arian ng mamamayan!
◘◘◘
DAPAT makialam ang kabataan, suportahan si P-Digong at ang Pambansang Pulisya laban sa mga traydor sa bayan.
Ngayon lamang nakatitindig sa sariling mga paa at may independensiya ang Pilipinas sa ilalim ni P-Digong!
Hindi nadiktahan ng U.S., hindi nadiktahan ng China, hindi nadiktahan ng mga bansa sa Europa at lalong hindi dapat diktahan ng U.N.!





Comments