Ex-P-Noy, mas gustong mag-video games kesa pumunta sa SONA ni P-Digong?

PAGKAKAALAM NI P-DUTERTE, PORKE SIYA ANG PANGULO, PAGMAMAY-ARI NA RIN NIYA ANG WPS—Sa radio program ni Pastor Apollo Quiboloy, sinabi ni P-Duterte na siya raw ang nagmamay-ari ng West Philippine Sea (WPS) kaya walang pakialam ang kanyang mga kritiko na kuwestiyunin ang pagpayag niyang mangisda rito ang mga Chinese.
Ah, ganu’n pala ang pagkakaalam ni P-Duterte, porke siya ang pangulo ng Pilipinas, siya na ang may-ari ng WPS at walang pakialam rito ang taumbayan, boom!
◘◘◘
KAY PASTOR QUIBOLOY ANG SANLIBUTAN, KAY P-DUTERTE ANG WPS?—Madalas sabihin ni Pastor Quiboloy na siya ang nagmamay-ari ng sanlibutan at sa kanyang radio program, sinabi ni P-Duterte na siya ang may-ari ng karagatan ng Pilipinas.
Dahil sa sinabing ‘yan nina Pastor Quiboloy at P-Duterte, pagpapatunay na BFF nga sila, ha-ha-ha!
◘◘◘
EX-P-NOY, IISNABIN ULIT ANG SONA NI P-DUTERTE—Sa ikaapat na pagkakataon, wala na naman daw sa plano ni ex-Pres. “Noynoy” Aquino na dumalo sa SONA (State of the Nation Address) ni P-Duterte ngayong Lunes, Hulyo 22, 2019.
Siguro, palaging busy si ex-P-Noy sa kalalaro ng computer games kaya palagi niyang iniisnab ang mga SONA ni P-Duterte, boom!
◘◘◘
MAYOR ISKO, “NGANGA” SA LOTTENG AT BOOKIES SA MAYNILA —Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin tumitigil ang raket na lotteng nina “Jun Moriones”, mag-asawang “Ramon” at “Medy” at bookies nina “Boy Abang” at “Lorna” sa Maynila.
Kung totoo ito, aba, mga small time na illegal vendor lang pala ang kayang “sagasaan” ni Mayor Isko Moreno, pero sa mga bigtime gambling lord, “nganga” siya, pwe!





Comments