top of page
Heart Evangelista.jpg

BICOL VOLCANOES, PALALAKASIN, INSPIRADO SA BAGONG JERSEY

  • G. Arce/MC
  • Jul 19, 2019
  • 1 min read

TULAD ng bulkang Mayon na nakatago ang tapang sa kayumihan, handa ang Bicol Volcanoes – pinakabagong koponan sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup – na mag-alboroto at maglagablab na walang pinipiling panahon at pagkakataon.

“Bicol is famous for volcanoes and we feel, tamang-tama ito as monicker for the team – fierce and hot, anytime puwedeng mag-explode,” pahayag ni Team owner/president ng Bicol Volcanoes Gil Orense, sa ginanap na special edition ng ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) kahapon sa National Press Club sa Intramuros, Manila. Iginiit ni Orense na bilang isa sa bagitong miyembro ng liga, handa silang makiayon sa takbo ng sistema at hahayaang ma-develop ang players – karamihan ay homegrown talents – sa kanilang adhikain na abutin ang mataas na level ng basketball career.

Sa ayuda ng LCC Department Store na may mga outlet sa buong Bicol region, matikas na nakikipagtagisan ng lakas at galing ang Volcanoes na kasalukuyang hawak ang 4-2 marka sa North Division.

“We owed it to LCC management. Kung hindi sa tulong nila, baka hindi natuloy ang pagsali namin sa MPBL,” sambit ni Tan.

Pormal ding senelyuhan ang tambalan ng Bicol Volcanoes at LCC ang Memorandum of Agreement (MOA).

Lumagda sina LCC DS president Ed Ponce, Supermarkets prexy Eric Poiret at VP for Operations Christian Tan.

Ayon kay Poiret na isang French national, ang katatagan ng LCC na may 83 branches sa Bicol ay bunga ng tiwala at pagpapahalaga ng mga Bicolano kung kaya’t marapat lamang na maibalik sa komunidad ang malasakit at pagtulong lalo na sa sports.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page