top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Babala ng WHO | PEKENG ANTI-RABIES, KALAT NA

Madel Moratillo
Jul 19, 2019
1 min read

NAGLABAS ng ‘Global Medical Product Alert’ ang World Health Organization (WHO) laban sa iba’t ibang bakuna kontra rabies.

Kabilang dito ang Verorab, Speeda at Rabipur at isang falsified anti-rabies serum na Equirab na kumakalat sa Pilipinas.

Kaugnay nito, pinag-iingat ng WHO ang mga bansa na maaaring may bentahan ng mga nabanggit na produkto.

Dagdag ng WHO, kailangang mas paigtingin pa ang pagmamatyag lalo na sa mga ospital, klinika, health center, botika at wholesaler, supplier at distributor ng mga bakuna.

Kung may nakitang mga produkto na binanggit, sinabi ng WHO na huwag itong gamitin at agad na i-report sa mga awtoridad.

Kapag naman nagamit na ang mga pekeng produkto na nagkaroon ng masamang epekto sa katawan, agad magpakonsulta sa mga doktor at tiyakin na i-report ang insidente sa Food and Drug Administration Philippines.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page