top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

TAYONGTONG NG Q.C., YEE NG DAVAO AT MUNTINLUPA, NAGPASUKO SA MPBL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 18, 2019
  • 1 min read

MULING ipinamalas ng Quezon City ang husay nang gapiin ang Makati, 91-85, Martes ng gabi sa MPBL Lakan Season sa Blue Eagle Gym sa Ateneo.

Malaking bagay ang nagawa para sa Capitals ni Joco Tayongtong na umiskor ng 12 sa kanyang 20 puntos sa huling 5 minuto upang pamunuan ang team at mapigilan ang 4-game winning streak ng Super Crunch at nilupig ang parehong team na nalaglag din sa last season quarterfinal round sa torneo ni Senador Manny Pacquiao kung saan, si PBA legend at dating MVP Kenneth Du­rem­des ang Commissioner.

Matingkad din ang laro para sa Quezon City ni Dahrell Caranguian na may 20 puntos. Sa krusyal na minuto, si Tayongtong na ang bumanat nang husto at natulungan ang Capitals na umalagwa mula sa 10 puntos na pagkaiwan sa huling 5 minuto ng laban. Nakapagsalpak si Ta­yong­tong para sa 84-all mula sa nakaw na bola kay Rudy Lingganay at kumpletuhin sa fastbreak basket at doon na nagsimula ang momentum ng Quezon City.

Sa iba pang laro, nagwagi ang Davao Occidental at Muntinlupa. Nagpamalas din ng big game sa Tigers si Mark Yee, sa 23 double-double performance sa Davao Occidental Tigers-Cocolife backed squad, 86-55 kontra Rizal Golden Coolers-Xentro Mall.

Binutata naman ng Muntinlupa ang Parañaque Patriots-Yabo Sports, 87-78. Samantala, kinansela ng MPBL ang triple header kahapon sa People’s Center sa Bataan dahil sa masamang panahon. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page