Nabulgar, mga mangingisdang Pinoy pinaaatras ng Navy sa reklamo vs. China, tsk-tsk-tsk!

SP “TITO” SOTTO, NASINDAK KAY REP. CAYETANO SA BANTANG TATLONG TAONG TERMINO SA MGA SENADOR? —Nagpahayag ng suporta si Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto III sa pagiging House Speaker ni Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano at ayon sa kanya, magiging mabuting lider daw ito ng Kongreso.
Siguro, nasindak si SP Sotto sa banta ni Rep. Cayetano na isusulong niyang gawing tatlong taon na lang ang termino ng mga senador kaya todo-sipsip na ang lider ng Senado sa incoming Speaker of the House, boom!
◘◘◘
IMBES NA SUPORTAHAN NG NAVY ANG MGA MANGINGISDANG PINOY, PINAATRAS PA SA KASO —Ibinulgar ng dalawang mangingisdang Pinoy na ilang opisyal daw ng Philippine Navy (PN) ang nagtungo sa kanila at kumumbinseng iatras ang isinampa nilang reklamo sa Supreme Court (SC) laban sa mga Chinese na kumukuha ng mga likas na yaman sa dagat ng Pilipinas.
Imbes na suportahan ng PN ang mga mangingisdang Pinoy sa isyung ito dahil silang mga Navy ang tagapagtanggol sa karagatan ng Pilipinas laban sa mga nanghihimasok na dayuhan, sila pa ang nagsabi sa mga ito (mangingisda) na iatras na ang reklamo laban sa China, buwisit!
◘◘◘
PULSE ASIA AT SWS, TAGA-DAMAGE CONTROL NG GOBYERNO? — Nang aprubahan ng United Nations on Human Rights Council (UNHRC) na imbestigahan ang EJK (extrajudicial killings) sa Pilipinas, agad naglabas ng survey ang Pulse Asia na kesyo 85% daw ang itinaas ng approval and trust rating ni P-Duterte at sa panahon na mainit ang isyu ng pagbangga ng Chinese militia vessel sa bangkang-pangisda ng mga Pinoy sa West Philippine Sea (WPS) ay nagpalabas din ng survey na 80% high performance rating kay P-Duterte.
Dahil d’yan, tila lumalabas na ang misyon ng mga survey firm ay taga-damage control ng mga kasiraan ng gobyerno, period!
◘◘◘
MINI-CASINO SA PALENGKE NG LA TRINIDAD, BENGUET — May nag-o-operate raw ng mini-casino sa palengke ng La Trinidad, Benguet.
Kailan kaya ipatotokhang ni Mayor Romeo Salda sa PNP ang nagpapa-mini-casino sa La Trinidad? Abangan!





Comments