top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mag-uutol na 7, 10 at 12 sex slave ni uncle

Maeng Santos
Jul 18, 2019
1 min read

KULONG ang isang lalaki makaraan uma­nong gawing sex slave ang tatlong pamangkin sa Valenzuela City.

Kinasuhan ng multiple counts of statutory rape ang suspek na si Jolie Hagonoy, 24, ng Bgy. Silagon, Catar­man, Northern Samar.

Napag-alaman na mula noong June nang simulan ng suspek ang panghahalay sa magkakapatid na sina ‘Li­gaya’, 10; ‘Marimar’, 12, at ‘Diana’, 7, sa loob ng kani­lang bahay sa Bgy. Ugong, na umabot hanggang July.

Una umanong paulit-ulit na ginahasa ng suspek sina ‘Ligaya’ at ‘Marimar’ habang si ‘Diana’ ay dalawang beses namang inabuso.

Kampante ang suspek na walang nakaalam sa kan­yang pang-aabuso sa mga pamangkin hanggang sa isang nagmalasakit na ka­pitbahay ang nagpadala ng text messages sa saksing si ‘Lily’ na nagtanong naman sa magkakapatid.

Dito na isiniwalat ng mga biktima ang kahalayang gi­nagawa ng kanilang tiyuhin dahilan upang agad humingi ng tulong si ‘Lily’ sa Valen­zuela Police Community Pre­cinct 8 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page