top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kung maaaring mag-deploy ng OFW ang agency na mayroon lamang provisional license

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 18, 2019
  • 1 min read

Dear Chief Acosta, Magandang araw! Nais kong malaman kung maaari ba akong i-deploy bilang domestic worker ng recruitment agency na nagpoproseso ng aking mga dokumento kahit sa aking pagsasaliksik sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay nalaman kong mayroon lamang silang provisional license? — Mina

Dear Mina, Para sa inyong kaalaman, ang Section 11, Rule II (B), Part II ng Revised POEA Rules and Regulations Governing the Recruitment and Employment of Landbased Overseas Filipino Workers of 2016, ang alituntunin na sumasaklaw sa inyong katanungan at nagsasaad nito:

“B. PROVISIONAL LICENSE

xxx

SECTION 12. Prohibition. — The agency granted with a provisional license shall not deploy domestic workers during the validity of the provisional license. (Binigyang-diin)

Malinaw sa nabanggit na panuntunan na hindi maaaring mag-deploy o magpadala sa ibang bansa ng mga domestic worker ang agency na mayroon lamang provisional license.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page