Inventory sa Customs, law student at bagong graduate ng accountancy, pasok!
- BULGAR

- Jul 18, 2019
- 2 min read
HINDI pa rin maresolba ng kaliwa’t kanang ismagling sa Bureau of Customs.
Eh, bakit?
◘◘◘
DAPAT i-takeover ng Malacañang ang operasyon sa BOC.
Si P-Digong dapat ang maging komisyuner kahit 6 na buwan lang!
◘◘◘
KAPAG naupo si P-Digong bilang Customs commissioner, gamitin niya ang discretionary fund upang pasuwelduhin ang mga law student at bagong graduate ng accountancy na magbukas ng mga container van.
Walang gagawin ang presidential task force versus ismagling kundi ang mag-imbentaryo ng container vans!
◘◘◘
MABIBIGYAN ng trabaho ni P-Digong ang libu-libong law students at accountancy graduates.
Pero, ang gastusin dito ay maibabalik din sa gobyerno dahil tiyak na magpapasok ang mga ismagler ng bilyun-bilyong pisong buwis na dinaraya nila, araw-araw!
◘◘◘
BATAY sa batas, may kapangyarihan ang gobyerno na tanggalin sa puwesto ang mga tax officer na hindi nakasusunod sa target collection.
Puwedeng kusang umalis ang 100 percent ng mga tauhan sa BOC, pero dapat sanayin muna ang mga law student at accountancy graduate na gagamitin sa full-inventory ng mga epektos!
◘◘◘
ISABAY dito ang pagtatalaga ng 10,000 bagong Customs police na magbabantay sa mga pantalan.
Sa kritikal at krisis na sitwasyon, radikal na sistema ang solusyon kakambal ng kamay na bakal!
◘◘◘
WALANG ibang makagagawa ng radikal na pagbabago sa Adwana kundi si P-Digong lamang.
Hindi kaya ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang ganyang diskarte sapagkat ang anak niya ay aminadong importer!
◘◘◘
KAPAG nalinis ni P-Digong ang Adwana, hindi kailangan ang dagdag na batas para sa panibagong buwis sapagkat lolobo ang koleksiyon sa BOC.
Mas okay kung may makakasuhan o maipa-firing squad na mga pusakal na ismagler si P-Digong!
◘◘◘
PERA-PERA lang sa Adwana.
Sinuman ang italaga rito, lalamunin ng sistema at kokontrolin ng mga pusakal na kontrabandista.
Sa Adwana rin aktuwal na ipinapasok ang tone-toneladang shabu at alam nating lahat 'yan!





Comments