CUPS IN RAVER, PATOK

MAY kahirapan ang karera ngayong gabi sa pag-alagwa ng Group Race, Condition Race, 3-Year-Old & Above Maiden Race at Group Race 8-9 Merged sa Santa Ana Racing Club sa Naic, Cavite.
Anim na karera lang ang magaganap na kapapalooban ng Pick 6, Pick 5 at Pick 4, at kasabay nito mangyayari ang Trifecta, Quartet, pentafecta at Super Six. Sa Race 1, sa panimula ng Pick 6, Trifecta at Quartet sa Group Race (10), pitong kabayo ang kalahok at pinapaboran ang River Mist, couple entry na Talilibanana, Spectrum at Joem’s Gal.
Sa Race 2, magtatapat ang mga kalahok sa 3-Year-Old & Above maiden Race, nakalalamang ang Cups In Raver at makakalaban ang Rich ‘N Humble sa simula ng Pick 5. Nakalalamang sa Race 3 ang Dimakya Island at magbabanta ang Lirpa’s Choice, Oakhill Princess at couple entry na Hard Work Classic at Only One na umpisa ng Pick 4.
Sa Race 4, magkakalaban ang Facing Dixie at couple entry na Fort Mckinley at Faithful Wife habang magandang pangdehado ang Wings In My Feet sa paghaharap sa Group Race (8-9) Merged. Nakalalamang ang Oceanside sa mga kalaban na Cole Is Bright, couple entry na Florida Blanca at Palos sa pag-arangkada ng Group Race (11) sa Race 5.
Magkakalaban sa Condition Race (20) ang mga kalahok na Bottoms Up, Sunday Surprise, Gensan Special, Dauntless, Rico Mambo at Grand Princess na kasabay ng Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six sa Race 6. Tip ni Mang Ding: Race 1- River Mist (6) Entry No.1 Race 2- Cups In Raver (6) Rich ‘N Humble (5) Race 3- Dimakya Island (4) Lirpa’s Choice (1) Race 4-Facing Dixie (5) Entry No.1 Wings in My Feet (6) Race 5 Oceanside (7) Entry No.2 Cole is Bright (1) Race 6- Rico Mambo (7) Bottoms Up (2) Sunday Surprise (9) Pick 6- (1-6) 6-1/6-5/4-1-2/5-1-6/7-2/2-9-7 Pick 5- (2-6) 6-5/4-1-2/5-1-6/7-2/2-9-7 Pick 4- (3-6) 4-1-2/5-1-6/7-2/2-9-7.





Comments