top of page
Pokwang.jpg

BOLTS, NAKADALE NG PLAYOFFS VS. SMB

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 18, 2019
2 min read

HUMIRIT ng playoff para sa No. 8 spot ang Meralco Bolts matapos nilang pagpagin ang San Miguel Beer, 95-91 sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Kumayod si Delroy James ng 34 points, anim na assists at limang rebounds upang ilista ang 4-7 karta ng Bolts at sumalo sa three-way tie para sa eighth place.

Kaparehong karta ng Meralco ang Alaska Aces at Phoenix Fuel Masters. Tumikada rin si Chris Newsome ng 20 puntos at anim na rebounds para sa Bolts na kinalsuhan ang three-game winning streak ng Beermen.

Bakbakan ang Beermen at Bolts sa unang dalawang quarters, tabla ang iskor na 42 sa halftime. Bahagyang uminit ang opensa ng Meralco sa third quarter kaya bahagya silang nakalamang, 74-70 papasok ng fourth.

Namuno sa opensa para sa San Miguel Beer sina import Chris McCullough na nagtala ng 27 markers at 16 boards at local June Mar Fajardo na tumipa ng 27 points at 13 rebounds.

Samantala, swak sa top two teams ang TNT KaTropa at NorthPort Batang Pier kaya naman mabibiyayaan sila ng twice-to-beat advantage pagkatapos ng 11-game elimination round. Makakalaban ng No. 1 team ang No. 8 habang magkatapat ang No. 2 at No. 7. Magkakaldagan ang No. 3 at No. 6, habang toka ng No. 4 ang No. 5, parehong best-of-three series, kung saan ang mga mananalong teams ay magkakalusan sa semifinals. Malalaman ang puwesto ng mga team pagkatapos ng elimination round.

Samantala, ano ba ang tsansa ng Bicol Volcanoes sa MPBL Lakan Cup? Malalaman iyan ngayon sa 31st edition ng “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Manila. Pangungunahan ni Bicol assistant coach Ronnie Dojillo ang pagsasalita sa forum kasama sina ex-PBA star Ronjay Buenafe, Chris Lalata at Jerome Garcia. Ang Monel Kallos-mentored Volcanoes ay may hawak na 4-2 win-loss record sa 15-team South Division. (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page