top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

WALA NANG PIGGY BACK ENTRIES SA BNTV CUP EARLY-BIRD STAG DERBY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 19, 2019
  • 1 min read

MATAPOS na makapagrehistro ng mahigit sa 350 entries sa unang apat na magkakahiwalay na 2-stag eliminations, ang mga organizers ng makasaysayang 2019 BNTV Cup Early-Bird 9-Stag National Derby ay minabuti na hindi na tumanggap ng mga piggy back entries upang maiwasan na rin ang mga kaguluhan at posibleng ‘di pagkakaunawaan.

“Dati naming inanunsiyo na tatanggap kami ng piggy back entries sa pag-asang makakatulong ito sa pagdami ng entries, subalit, ang unang apat na eliminasyon ay naghatid ng sobra sa sapat na bilang ng mga kalahok at naglagay sa amin sa tamang daan upang maabot ang aming target na 2,000 entries”, pahayag ni BNTV Cup co-founder Joey Sy.

“Base rin sa aming karanasan, ang pagkakaroon ng piggy back entries ay nakapagdulot ng karagdagang problema sa pamamahala at pagrerekord,” dagdag pa niya.

Itinataguyod ng Thunderbird, ang hindi maikakailang pinaka-nangunguna at pinakamalaki sa larangan ng patuka at gamot para sa manok-panabong sa buong mundo, ang BNTV Cup na itinatag ng World Slasher Cup champion na si Joey Sy, isa sa mga hinahangaang national endorsers ng Thunderbird. Nasa ikatlong taon na, ang 2019 BNTV Cup ay isa nang 9-stag early-bird national derby na may garantisadong premyo na P10,000,000 para sa maliit na entry fee na P6,600 lamang at minimum bet na P3,300 (P5,500 sa Araneta Coliseum).

Magpapatuloy ang eliminasyon sa Hulyo 19 - New Tarlac Coliseum, Tarlac; Hulyo 23 - San Roque Cockpit Arena, Bulacan; Hulyo 24 - San Juan Coliseum; Hulyo 25 - Abucay Cockpit, Bataan; Hulyo 30 - Texas Cockpit Arena, Antipolo, Rizal; Hulyo 30 - Imus Sports Arena, Cavite at Hulyo 31 - Edward’s Coliseum, N. Ecija. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page