TORNADOES, BINUHAWI ANG SLR SA SUPERLIGA
- BULGAR

- Jul 17, 2019
- 1 min read

BACOOR CITY — Nakarekober ang Foton Tornadoes mula sa mabagal na simula at nakahabol sa 18-25, 21-25, 25-18, 25-15, 15-4 win kontra Sta. Lucia sa Philippine Superliga All-Filipino Conference kagabi sa Strike Gym sa Bacoor City.
Humalili si Jaja Santiago kina spiker Marian Buitre at Dindin Santiago-Manabat para palakasin ang Tornadoes at patatagin ang second-round campaign sa mataas na laro sa prestihiyosong women’s club tourney.
Nakagawa si Santiago ng 22 puntos, 14 kills, 6 blocks at 2 service aces habang si Buitre na lumarga sa 3rd set ay nakagawa ng 15 puntos, 8 atake, 5 aces at 2 blocks. Sa panig ni Manabat, dumagdag siya ng 13 marka, hindi na kumalas ang Foton at nakatuntong na sa solong 4th place sa bisa ng ikaapat na diretsong panalo para pag-ibayuhin sa 5-3 panalo-talo ang record.
“We were looking for the right combination in the first part of the game that’s why we struggled a bit,” ayon kay Foton head coach Aaron Velez. “I’m thankful that Marian stepped up and everybody was really committed to come back and win this game.”
Sa tikas ni Santiago, pinainit ng Tornadoes ang 11-2 frame upang makumpleto ang muling pagresbak sa laro at ilagay ang Lady Realtors sa ika-7 sunod na pagkatalo.
“Our motivation is how to be accountable. We struggled in our passing at some point of the game. But they played with accountability and like there’s no tomorrow,” dagdag ni Velez. (MC)





Comments