ROACH, AYAW TANTANAN SI MAYWEATHER, HINAHAMON

HANGGANG sa ngayon ay nananatili pa rin sa isipan ni Hall of Famer boxing coach Freddie Roach ang kinalabasan ng laban ng kanyang paboritong manlalarong si Eight-time division champion Manny “Pacman” Pacquiao kay undefeated boxer Floyd Mayweather, Jr.
Isang malaking kahihiyan para kina Roach at Pacquiao ang resulta ng laban nila na binansagang ‘Fight of the Century’ o ‘Battle for Greatness’ sa MGM Grand Garden Arena, sa Las Vegas, Nevada noong May 2, 2015.
Kaya’t hanggang sa ngayon ay umaasa pa rin ang kampo ng team Pacquiao na mangyayari ang ikalawang paghaharap nila ng American boxer.
Nakatakdang lumaban si Pacquaio (61-7-2, 39KOs) sa darating na linggo, Hulyo 20 (Hulyo 21 Filipino time), sa pareho ring lugar sa Las Vegas, sa isa pang undefeated fighter na si Keith “One Time” Thurman (29-0, 22Kos) para sa World Boxing Association (WBA) welterweight championship.
Umaasa si Roach na madudungisan nila ang perpektong record ng tubong Florida fighter upang maiplano nila ang rematch kay Mayweather (50-0, 27KOs). “Again, we would like to have Mayweather one more time. We’re a little embarrassed about the way the first one went. It didn’t live up to what it was supposed to. We’d like that one back one more time,” ani Roach. “At the fourth round, Manny told me he couldn’t use his shoulder anymore, I said ‘do the best you can’ and that was all we could do. ”





Comments