PHISGOC, iimbestigahan sa korupsiyon - Digong
- Mylene Alfonso
- Jul 17, 2019
- 1 min read

PAIIMBESTIGAHAN ng Malacañang ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) Foundation na mangangasiwa ng 30th Southeast Asian Game sa Nobyembre 30, dahil umano sa korupsiyon.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mas nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang gobyerno ang hahawak ng naturang event sa halip na ang nasabing foundation.
“He said he doesn’t want the foundation (to arrange the country’s hosting of Sea Games), he wants the government,” ani Panelo sa press briefing sa Palasyo.
“Sabi niya maraming korupsiyon d’yan sa private kaya nasisira ‘yung diskarte ng mga nandiyan, kaya gusto niya gobyerno na lang,” sabi pa ni Panelo.
Matatandaang, inaakusahan ang PHISGOC kaugnay sa overpriced na uniform, training gears, mga medyas na para sana sa mga Filipinong atleta na lalahok sa SEA Games.





Comments