Para 'di mukhang kawawa, Carlo… ANGELICA, GINAGAMIT LANG ANG AFAM NA BF KUNO
- BULGAR

- Jul 17, 2019
- 1 min read

HINDI seryoso si Angelica Panganiban sa pakikipagrelasyon niya sa singer na isang foreigner. Feeling namin, ginagamit lang niyang front ang guy para masabi lang na may love life siya ngayon at hindi magmukhang kaawa-awa sa paningin ng publiko.
Saglit pa lang niyang nakikilala ang foreign singer at hindi pa niya gaanong kilala ang background nito.
Ang ipinagtataka lang namin kay Angelica, after ng breakup nila ni Carlo Aquino, hindi raw muna siya agad-agad papasok sa bagong relasyon at sa career na raw muna magpo-focus, pero heto nga’t nakikitang may kasamang bagong lalaki.
Feeling insecure ba sa buhay niya si Angge kung walang boyfriend? Ganu’n ba siya kadaling ma-fall sa guy dahil gusto niya nang magka-love life?





Comments