P-Duterte, magpapraktis para sa SONA

NAKATAKDANG sumalang si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang rehearsal sa darating na weekend bilang bahagi ng kanyang paghahanda sa gagawing ikaapat na State of the Nation Address (SONA) sa July 22.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar, magkakaharap ang pangulo at ang direktor ng SONA na si Bb. Joyce Bernal.
Aniya, magiging bahagi ng rehearsal ang malaman ng film director kung ano ang magiging laman ng talumpati ng pangulo, pero nilinaw ng kalihim na tanging ang Punong Ehekutibo lang ang makakahawak nang pinal na kopya ng kanyang magiging talumpati.
Dahil mismong ang pangulo aniya ang nagtse-check at nag-e-edit sa kanyang SONA speech.
Dagdag pa ni Andanar, may malaking bahagi si Senador Christopher ‘Bong’ Go sa ginagawang paghahanda ngayon ng pangulo sa SONA, lalo na at sa mahabang panahon ay ito na ang nagsilbing private adviser ng Chief Executive at tiyak aniyang magpapatuloy ito hanggang 2022.





Comments