OCHOA, RAMIREZ AT 16 PINOY SUSUBUKIN SA ASIAN JIU-JITSU

PUPUNTIRYAHIN ng koponan ng 18-man national jiu-jitsu specialist na makakuha ng karagdagan pang ekperyensya at motibasyon bago ang nalalapit na Southeast Asian Games ngayong taon sa pagsabak nila sa 2019 Asian Jiu-Jitsu Championship sa Ulaanbaatar, Mongolia simula Hulyo 17-22, 2019.
Pangungunahan nina World Champions Margarita “Meggie” Ochoa (women’s -45kgs), Annie Ramirez (women’s -57kgs) at Gian Dee (men’s -62kgs) ang kampanya ng jiu-jitsu team bilang paghahanda sa pagsabak nila sa biennial meet na nakatakda sa Nob. 30 hanggang Dis. 10 sa bansa. “We aim and expect to medal in every event. We expect mainstays to win gold and the others to medal, a bronze at least,” pahayag ni Philippine National Jiu-Jitsu Head Coach Hans TioCo.
Napagwagian ng 29-anyos na si Ochoa ang kauna-unahang gintong medalya ng bansa at ng Asya sa larangan ng jiu-jitsu noong 2018 sa Jujutsu World Championship Baltiska Hallen sa Malmo, Sweden. Nag-uwi rin ito ng tansong medalya sa 2018 edisyon ng Asian Games sa Jakarta, Indonesia.
Naging matagumpay kina Ramirez at Dee ang una nilang gintong medalya sa world stage nang kunin nila ang top spot sa Abu Dhabi World Professional Jiu-Jitsu Championship sa Mubadala Arena noong Abril sa -55kgs at -61kgs purple belt category, ayon sa pagkakasunod.





Comments