Motor sumalpok sa bus, rider utas
Paul Lansen
Jul 17, 2019
1 min read

DEAD-ON-THE-SPOT ang rider makaraang sumalpok ang kanyang minamanehong motorsiklo sa pampasaherong bus, kamakalawa ng hapon sa national highway sa Bgy. Wawa, Bayambang, Pangasinan.
Kinilala ang nasawi na si Roque Pentor, naninirahan sa nasabing lugar. Ayon sa ulat, lasing nang magmaneho ang biktima at sumalpok sa kasalubong na bus.
Nabatid na wasak ang mukha ng biktima sa lakas ng pagkakasalpok.





Comments