top of page
Pokwang.jpg

Knows n'yo 'to, Matteo at Kathryn? SARAH, GUSTONG HALIKAN SI DANIEL SA HARAP NG MADLANG PIP

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 17, 2019
1 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

NU’NG Sunday sa A.S.A.P. Natin ‘To, nagkasayahan ang tatlong hosts na sina Sarah Geronimo, Daniel Padilla at Piolo Pascual.

Tanong ni Sarah kay Papa P., sino raw sa dalawang foreign singers na sina Nicki Minaj at Cardi B ang mas mahusay kumanta.

Sagot naman ni Papa P. “Hindi na kailangang itanong ‘yan… may igagaling pa ba sila kay Sarah Geronimo? Siyempre, si Sarah.”

“Hayyy, Papa P., ‘wag kang ganyan, maki-kiss kita d’yan, eh,” sagot ni Sarah.

Buwelta pa ng singer-actress kay Daniel, pigilan daw siya.

Sabi naman ni DJ “‘Wag, Sarah, ‘wag mo siyang i-kiss.”

Halatang kinikilig si Sarah habang nasa gitna ng dalawang parehong guwa­pong aktor sabay sabi kay Daniel, “Pu­we­de ba ikaw na lang iki-kiss ko? O kaya kayong dalawa na lang?”

Naghiyawan ang studio audience sa game na game na pakikipagbiruan ng Pop Princess sa dalawang Kapa­milya actors.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page