Ibinuking ng box office director… JOHN LLOYD, GAGAWA ULI NG MOVIE KAY DIREK CATHY


BACK-to-back Best Actress awards ang nakuha ni Kathryn Bernardo mula sa dalawang award-giving bodies ng entertainment press for her blockbuster film last year directed by Cathy Garcia-Molina, ang The Hows of Us.
This is another affirmation for Direk Cathy sa husay niya sa paghulma ng mga award-winning actors aside from making a box office star.
Tiyak na masayang-masaya si Direk Cathy for Kathryn sa pagkakapanalo nito not once, but twice ng Best Actress.
Tamang-tama naman ang pagkakapanalo niya sa nalalapit na pagpapalabas ng bagong movie nila ni Direk Cathy with Alden Richards, ang Hello, Love, Goodbye.
Well, walang duda na lalo pang lalakas sa takilya ang HLG with Kathryn’s winning the Best Actress from PMPC Star Awards for Movies at sa Eddys Awards. Kaya paano pakakawalan ng Star Cinema si Direk Cathy papuntang New Zealand at this point in time?
“‘Yun pa rin ang pangarap ko. Hindi ko alam kung mari-realize, pero ‘yun pa rin ang pangarap ko,” say ni Direk Cathy sa amin.
We wonder kung ano ang reaksiyon ng boyfriend niya na naaantala ang pag-alis nila papuntang New Zealand.
“Suportado naman niya ako. Love ako noon, eh,” pa-sweet na sabi ni Direk Cathy.
And after ng Kathryn-Alden movie, many are still hoping na makagawa na uli si Direk Cathy ng movie ni John Lloyd Cruz.
Kuwento ng direktor, natuwa siya nang bigla siyang tinawagan ni JLC bago pa niya inumpisahan ang HLG.
“Sabi niya (John Lloyd), ‘Ano ‘tong nababalitaan ko na magre-retire ka na?’”
Nagsabi raw si John Lloyd na gagawa ulit siya ng movie with Direk Cathy pagbalik ng direktor.
“Usapan namin pagbalik ko,” say pa ni direk.
Sinagot din ni Direk Cathy ang tanong kung a-attend ba siya kapag ikinasal si John Lloyd kay Ellen Adarna.
“Ay, ‘di ko na alam ‘yun. Kay John Lloyd na ‘yun. Ii-invite mo ba ako, Lloydie? Hehe!”
True.





Comments