top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Huli sa akto | AKYAT-BAHAY KINUYOG SA CONDO

Mylene Alfonso
Jul 17, 2019
1 min read

ISANG miyembro ng Akyat-Bahay Gang ang bugbog-sarado makaraang mahuli sa aktong nagnanakaw sa isang unit ng Gemjn 1 Condominium, kamakalawa sa Paco, Manila.

Nagtamo ng mga pasa at galos sa katawan ang suspek na si Jayson Tolentino, 27, ng Tondo.

Nakumpiska sa suspek ang backpack na naglalaman ng mga ninakaw nitong gamit sa iba’t ibang condo unit, alas-7:00 ng gabi.

Ayon sa complainant na si Aida Dimayuna, 53, nakapasok ang suspek sa kanyang unit at kinuha ang dalawang cellphones na naka-charge. Agad siyang humingi ng saklolo sa katabing kuwarto dahilan para maglabasan ang iba pang tenants saka pinagtulungang bugbugin ang suspek.

Batay sa imbestigasyon, notoryus umanong akyat-bahay ang suspek dahil may mga nauna na itong record ng pagnanakaw sa condo ngunit, hindi ito mahuli-huli.

Natiyempuhan lamang ito ni Dimayuna na nalaman na una nang nasalisihan sa kanyang unit.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page