Hamon kay Mayor Isko, 'wag puro vendors, kriminal naman!
- BULGAR

- Jul 17, 2019
- 2 min read
DAHIL MAY ANTI-BASTOS LAW, TIGILAN NA KAYA NI P-DUTERTE ANG PAMBABASTOS SA KABABAIHAN?—Nilagdaan na ni P-Duterte para maging ganap na batas ang Anti-Bastos Law ni Sen. Risa Hontiveros, ibig sabihin, ang sinumang mambabastos sa kababaihan ay puwede nang kasuhan at ikulong.
Dahil may Anti-Bastos Law na, tigilan na kaya ni P-Duterte ang pambabastos sa kababaihan? Kung hindi mapigilan ni P-Duterte na mag-joke ng mga kabastusan, sino naman kaya ang maglalakas-loob na magsampa ng kaso at humuli sa pangulo? Abangan!
◘◘◘
MAYOR ISKO, DAPAT TUTUKAN DIN ANG KRIMINALIDAD SA MAYNILA—Habang busy si Manila Mayor Isko Moreno sa “pagwalis” o pagpapaalis sa mga vendor sa mga kalsada sa Maynila, sinamantala ng mga holdaper na looban ang MetroBank sa Binondo noong Hulyo 11, 2019 at kahapon, Hulyo 16 isang lalaki naman ang dinukot ng mga kidnaper sa Taft Avenue.
Aba, Mayor Isko, huwag ka lang sa mga vendor mag-focus kasi habang nag-e-enjoy ka sa mga media interview at pagpi-Facebook video live sa Anti-Vendors Campaign mo, dumarami ang mga kriminal sa Maynila, period!
◘◘◘
PUWEDE NAMAN PALANG KUMPISKAHIN ANG MGA EPEKTOS NG MGA SMUGGLER, PERO ANG IBANG DISTRICT COLLECTOR, “NGANGA”—Nakakaisang linggo pa lang sa puwesto si Manila International Container Port (MICP) District Collector Guillermo Francia, pero nakasabat agad ito ng mga smuggled agriculture product worth P15.5-M sa Adwana.
Puwede naman palang makakumpiska ng mga illegal na epektos sa Bureau of Customs ang district collector na tulad ni Francia, pero bakit hindi ito magawa ng ibang district collectors? Siguro, kaya dedma sa epektos ng mga smuggler ang ibang district collector ay dahil sa “weekly tara”, boom!
◘◘◘
MAKAPORMA PA KAYA ANG MGA TARA COLLECTOR SA MICP?—Ang MICP ay isa sa mga tanggapan sa Bureau of Customs na “pinamumugaran” ng mga “tara collector”.
Ngayong si Coll. Francia na ang head ng MICP, tingnan natin kung makaporma pa ang mga “tara collector” na kadalasang ginagamit ang tanggapang ito (MICP) para makapanghingi ng weekly tongpats sa mga smuggler sa BOC, abangan!





Comments